Back then, sikat na sikat ang Ly-Na, kasi nakakakinis daw ng balat or something. Yes, or something.
Minsan may family gathering yata or excursion [excursion ang usong word para outing dati]; ewan ko ba, nun naisipan ni Marianna na i-try ang Ly-Na ng ate nya. Anyway, nung nagtatawag na ang puno-abala, ayaw lumabas ni Marianna. "Bakit ba ayaw mong lumabas dyan, Marianna?" Paglabas ni Marianna, we realized why. Magang-maga ang mukha nya where Ly-Na was applied, which was the entire face. Yung naturally oval nyang face, nagmukhang ensaymada. Hindi ordinaryong ensaymada, ha? Yung ensaymada na nabibili sa Eurobake. Yung malaki na may butter, cheese, and sugar toppings and ham slices sa loob. Apparently, may allergy sya sa Ly-Na. I don't remember anymore what happened after that. I'm assuming na hindi na sya nakasama sa excursion...
From leavesofgrace.blogspot.com |
♥♥♥
Next story, tungkol pa rin kay Marianna. We attended the christening party of another cousin's first daughter. Marianna needed to pee, and we were directed to a covered latrine a distance away from the house where the party was being held.
The latrine looked a bit like this, but with a tent-like cover for privacy. |
Naalala ko lang ang istoryang ito kasi I read about a man and his mother dying when they tried to retrieve the new cell phone of the man's wife (story here).
Meron pa bang Ly-na? ahahaha Anung sabe ng BB cream sa Ly-na dati ahahaha At yung Eurobake, wala sa amin nyan, sa Bulacan lang meron. Whenever we visit my Lola and Tita in Bulacan, for sure dadaan kame.
ReplyDeleteI checked online, at meron pa sa Amazon. Eto ang aaminin ko: gumamit ako ng Chin Chun Su. Hahahaha!
ReplyDeletePart Bulakenya ka pala. Am from there. Sarap din ng inipit sa Eurobake. Na-miss ko ang ensyamada nila.