Monday, July 28, 2014

Mga Kwentong Sinauna: Nung Ma-Deads Si Uncle

Iisa ang uncle ko sa maternal side, and he had Down syndrome. They didn't realize immediately that he had it. Madear said that they were delighted kasi he was extremely flexible nung baby pa, pero medyo nagtaka sila, and only then did they seek a doctor. He didn't attend school, pero he was relatively independent. Mabait yun, although kung minsan, pag tinopak, maghahalo ang balat sa tinalupan. I remember once hiding in the wardrobe with my cousins kasi nagwawala sya. Pagkatapos naman nun, okay na uli. Marcos loyalist yun -- he would spend hours just watching Marcos' speeches. He must have been mesmerized.

Isa sa mga health problems ng may Down syndrome is congenital heart defect. And yun ang kinamatay ni Uncle, pero relatively matagal din ang buhay nya. Syempre, being the panganay, punong-abala si Madear sa lamay. Hindi halos natutulog. Pagod na pagod. Parang adrenaline na lang ang nag-po-propel sa kanyang kumilos. Nung araw ng libing, before ilabas ng bahay ang patay, may padasal muna, led by the oldies, along with Madear and her other siblings, my aunts (umuwi din si Auntie Bebeng).

...
Salamin ng katwiran...
Luklukan ng karunungan...
Mula ng tuwa namin...
Sisidlan ng kabanalan...
Sisidlang bunyi at bantog...
Sisidlang bukod na mahal na makusaing sumunod sa
Panginoong Diyos...
Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga...
Tore ni David...
Toreng Garing...
Bahay na Ginto...
Kaban ng Tipan...
Pinto ng langit...
Talang maliwanag...
Mapagpagaling sa mga taong makasalanan

...

Bigla na lang si Madear, while sitting, slumped on the wall against her.

Sigaw ang oldies, "NAKU, SI NENE. INATAKE SA PUSO!!!" Nagkagulo ang mga tao. Nakalimutan for a moment si Uncle. Nakalimutan ang tore ni David, toreng garing, bahay na ginto, kaban ng tipan...

Siguro dahil sa sobrang ingay, biglang tayo si Madear. Nagulat na naman lahat kasi nga, diba "SI NENE. INATAKE SA PUSO!!!" Turned out NAKATULOG lang si Madear sa sobrang pagod.
Phew.

Heart attack kaagad? Di ba pwedeng exhausted lang muna?






6 comments :

  1. Hahaha nag iingat na lang talaga siguro ang lahat! Love nila si Madear mo ng sobra.

    ReplyDelete
  2. Hahahaha! Siguro nga. Yun nga lang, nasira ang "moment" ni Uncle.

    ReplyDelete
  3. People tend to expect the worst, no? Kaka tense na nga, they aggravate the situation with their pronouncements pa.

    ReplyDelete
  4. So true. Their pessimism shames mine.

    ReplyDelete
  5. Award para kay madear!!! Uncle must be LOL from above ;)

    ReplyDelete

I'd love to hear from you, good or bad. And remember, if you can dish it, you better be able to take it!