Sunday, January 20, 2013

The Death of Lolo: Part 1. No, This Is Neither Morbid Nor Sad

My maternal lolo lived a fairly long life, 82, if memory serves. Would have been longer if he didn't fall and break his hip. I seriously think the anesthesia administered when he underwent hip arthroplasty messed with his memory. Plus he was put on bed rest, which he was never able to leave and naging rest in peace eventually. In his last days, he would call out to his favorite apo whom he took care of from infancy. Ang problema, nasa States sya. So malungkot si lolo. Teka, I said this is not a sad post. Let me reroute. So there, na-deads na nga si Lolo. His two daughters were there crying. Wala pa yung dalawang tita ko. To follow na lang sila -- sa pag-iyak, hindi sa deads part. Huwag muna. After some time (and sure nang lolo's gone), ang mommy ko biglang, "Tatang, bumangon ka dyan! Gumising ka!!!" Isip ko lang kung gumising nga ang lolo ko nun, tapos eh bumangon, wala na, tatakbo ako ng mabilis palayo and they would need the entire rank and file of the baranggay tanods to bring me back. Kasi naman, for two years before he died, hindi nakakatayo ang lolo ko, tapos after mamatay eh gigising and babangon? Zombie yun! Anyway, hindi yan ang tunay ng gist ng story. Minsan, isang gabi during the wake, aba, lakas ng tawanan dun sa malapit sa terrace where some of the guests were seated. Isip ko lang, such disrespect for the dead! Anobayan! Well, lo and behold, bumabangka si madir! May binabasa na newspaper cutout:

Registered nurse si Bebeng* sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yan... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay."

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:


Mahal kong tatay at mga kapatid:

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. "Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni nanay ang dalawampu't apat na karnenorte at isang dosenang spam. Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. "Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa 'yung mga pamangkin ko at 'yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra (Victoria's Secret ata ang tatak) gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo 'yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Yung tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko. Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.
 

Nagmamahal,
Bebeng

*This was the name used in the letter, pero mother substituted my aunt's name who's just flew in back from the US.



Promise, super funny ang delivery ni madir! Pati ako tawa ng tawa. San ka naman makakita ng lamay na hagalpak ng tawa ang mga tao. But then, all things considered, Lolo lived a full life na. I remember him coming home from sabong, bearing either a dead cock (talo) or pasalubong (panalo) -- either way, panalo ang mga apo!
May part 2 pa eto. Abangan ang susunod na kabanata.

2 comments :

  1. eh ako nga, tawa din ng tawa sa sulat ni Bebeng! LOL to the max!

    ReplyDelete
  2. Yun nga, nakakatawa na sya in the first place, tapos basahin pa sa lamay. Now you know where I got my irreverence.

    ReplyDelete

I'd love to hear from you, good or bad. And remember, if you can dish it, you better be able to take it!