Showing posts with label Decade. Show all posts
Showing posts with label Decade. Show all posts

Sunday, September 27, 2015

Kwentuhan Time: Anik-Aniks And Anniversary Contest

Hello! Hello! Hello! Buhay pa akez! Busy-busy-han lang.

The Instagram response to my Cath Kidston mugs has been overwhelming and I had pretty good sales last week. *Sana tuloy-tuloy!* I was so busy packing mugs last week that I'm sure the neighbors were annoyed already with the sound of packing tape being pulled and Styrofoam being cut. Maski ako ay ngilong-ngilo na. ***Marami pang available, bili na kayo!***

Uggghhh, two mugs from two different parcels got broken! That was after layers upon layers of corrugated cardboard+Styrofoam for one and bubblewrap+Styrofoam for the other. Walang sinasanto ang Abest or ang Cebu Pacific cargo or kung sino mang Poncio Pilato na naghahandle ng parcel. Ibabato kung ibabato, kahit na marked "FRAGILE"! Huhuhuhu. Hindi tuloy ako mapakali dun sa isang shipment going to Zamboanga -- hindi pa dumarating and I'm worrying that they might get broken. Ang dami pa naman nun. *crossing fingers*


I'm fairly new at Instagram selling, and I am INCREDULOUS (and of course thankful) at the trust people have on online sellers. I mean, they don't know me at all, yet they trust me enough with their orders. Sa Ebay kasi, you at least have some form of security that you will get your money back if you transacted to the letter. Sa IG and FB selling, walang ganung reassurance. Admittedly, I myself have bought from IG sellers as well, and I did put my trust on them blindly. One of the things I bought was sort of a dud, but it wasn't exactly a loss. I learned a lesson, didn't I? I'm just thankful na wala pa akong naka-transact na mandurugas. Huwag naman sana.

♥♥♥

Sino hindi pa nakakarinig sa AlDub? Aba, kung hindi nyo pa narinig eh lumabas na kayo sa kuweba nyo!

I was initially dismissive of the the love team and I had to ask Derdo to explain it to me. Hindi ko kasi ma-grasp kung reality show ba yun or make-believe. Plus hindi naman ako nanonood ng TV. Eh minsan napanood ko sa YouTube yung AlDub day 1, aba, ramdam na ramdam ko ang kilig ni Maine, so pati ako kinilig din. Saka it doesn't hurt na cute si Alden and looks like a good boy. I still couldn't pinpoint kung ano ang charm nung show. Basta kilig. Ang hirap pang ipaliwanag kasi walang direct translation ang "kilig".


♥♥♥

Eh heto pa, pinalabas ang Heneral Luna. Ang dami kong nababasa kesyo tigilan na daw ang mga pabebe at AlDub na yan at panoorin ang Heneral Luna, either implying or directly saying na huwag magpakabobo sa mga "shallow" shows na ganun. Ang tanong ko: Is it mutually exclusive? Pag ba nanood ka ng AlDub eh bobo ka na? And likewise, pag ba nanood ka ng Heneral Luna eh matalino ka na? Essentially, both shows are the same -- they are both propagandas. Can't we just watch those shows for what they are, entertainment? Sa dami ng problema ngayon, why begrudge others of joy, of kilig, albeit fleeting?


♥♥♥

Come October 1, this blog will turn 10 years old! One decade sure flies fast! Dahil dyan, magpapa-contest ako!!! I'll announce kung ano ang prizes on October 1 na lang as well as the mechanics (don't worry, hindi nyo kelangang mag-tumbling or cartwheels!). Sure na may Cath Kidston mugs, Little Prince diary planner, etc. Hindi ko pa maisip kung ano ang ibang prizes at saka wala pa akong budget ngayon.

O sya, till then!