Tuesday, May 31, 2016

May Day Peeve

Hello! May natirang readers pa ba ako? Anyone? Someone?

Sorry, palagi akong MIA this year. So, so, so busy.

So ganito lang, I'll recap my May na lang.

Birth month of TheHusband. We went snorkeling in Dauin. Sayang, no pictures. I think it's high time I buy an action camera na. I've always wanted to buy one, but I am always held back by the fact that I'm not exactly mahilig sa action. Lazy ass with a capital L. Parang di ko ma-justify na bumili ng action cam. BUT the marine life in Dauin is begging for pictures. Imagine, it's teeming with colorful fishies and corals at 3 ft. Hindi ako nai-stress mag-snorkel kasi mababaw lang. So I'm seriously considering one. Any suggestions aside from GoPro? Yung mura lang.

A week later, we went to Leyte via Cebu. We left midnight and arrived in Cebu early in the morning. We went to SM Travellers' Lounge for a quick shower (the shower was quick; the line wasn't) and to leave our things. Sayang, meron pala sa newly opened Robinson's, konti lang tao, free pa. I picked up my PRC license, where I also met with a buyer. I love that buyer so much, as in. She's very kind and easy-going. She's been buying from me since last year, and unang transaction pa lang namin, she showed consideration and kindness na. *Sana lahat ng buyers katulad nya.* Oooopppsss...nawala na naman ako. Anyhoo, we mostly spent our time in Ayala (hello Daiso!), then before midnight, we sailed to Leyte.

Hmmmm...Leyte deserves a post of its own. Will kwento about it next time.

We left Baybay, Leyte, very early on Sunday. We were in a rush to get to Ormoc and we didn't eat breakfast anymore. Result: HANGRY. Before we left Ormoc, I went to the restroom. As I was zipping up, someone tried to open the door by twisting the doorknob, which was broken. Eh naka-bolt lock. It seems the person on the other side didn't hear me say "wait" and pushed the door forcibly, ruining the bolt lock. I asked, "Bakit mo tinulak? Nasira tuloy ang lock." Ang sagot ng bruha, "Kasalanan mo kasi!" Nag-init agad ulo ko, "Anong kasalanan ko, ha?! Nakasarado pinto, tinulak mo ng malakas. Panong naging kasalanan ko?!" Eh ihi-ihi na yata sya, di na sumagot at pumasok na ng CR. Lessons: Huwag magpakagutom. Saka huwag manisi ng iba.

We rode a fastcraft to Cebu and arrived  mid-morning. We went to the newly opened Robinson's Galleria, which, while expansive, has very few stores. The National Bookstore branch there was pretty sad. Parang mas malaki pa bahay namin. S was so disappointed and left immediately. BUT they have very nice restrooms, with each cubicle separated fully from the next, hence you can do your, ehem, private business privately. Oh, speaking of National Bookstore, nnnnnaaaaakkkkuuuuu...pinainit ang ulo ko ng saleslady ng Schaeffer pens sa National Bookstore sa SM. I was looking for a fountain pen in Parker for TheHusband, eh wala ang saleslady ng Parker, so etong si Shaeffer saleslady "swooped" in. Well, exagge naman ang swooped in, pero she talked me out of buying Parker kasi daw walang pang-engrave ang Parker, eh I badly wanted it engraved. So she showed me the options sa Shaeffer, which are more expensive. Admittedly, Shaeffer has nicer fountain pens available. Kaya nga lang, Mahalia Jackson, and the one I chose was more than twice the amount of the Parker fountain pen I was initially eyeing. Pikit-mata ko nang binili. After I paid, I returned for the engraved pen, pero hindi pa nagagawa and I heard her say to another saleslady na hindi daw pwedeng i-engrave yung binili ko -- has something to do with the design of the barrel. But she wasn't telling me. Eh ang tagal ko nang naghihintay. I asked her what's wrong and she said that I have to choose another daw kasi hindi pwedeng i-engrave yun napili. Nakuuuu, I was so annoyed and and unabashedly said so. Kasi naman, alam naman nya that I needed it engraved, and she talked me out of buying Parker kasi nga walang pang-engrave ang Parker, then sasabihin nya na hindi pwedeng ipa-engrave yun napili ko -- after ko nang mabayaran. Kung hindi ba naman sya tanga. Sorry, not sorry. Ang talim-talim na ng tingin ko. I insisted that I wanted it engraved, kahit initials lang ni TheHusband. She called her supervisor na and yun na kinausap ko. Thankfully, her supervisor has more sense and was able to figure out a way to engrave the initials. Yun ang kwento ng Shaeffer pen. Must everything be a struggle? Engraving lang, ang simple-simple, took me more than half an hour to finish. Ugggghhh...

Anyhooooooo...


We arrived Monday morning in Dumaguete. Nagmadali kaming umuwi because of the election. Like yung isang boto ko eh mag-ma-matter, ano? Hehehehe. Infer, nakadagdag ang isa kong boto for Leni Robredo. *Ma'am, congratulations!* Muntik pa kaming di makaboto. Malapit nang magsara presinto nung makarating kami dun.


Again, yung usapang election kailangan ng sariling post.

May flew so fast. Napansin ko na lang patapos na ang month.  Pero huwag ka, may humabol pang trahedya. Ninakawan ako ng helper ko ng moolah. :( So sad. Sad for the money gone, sad having to do household chores again.

Bwisit na bwisit talaga ako. I left my bag downstairs when she came in. Pagbaba namin ni TheHusband, bawas na ng 3K. Akala yata dahil burara ako sa pera hindi ko bilang. Twice nang nangyari yun eh. But in the first instance, hindi ko masigurado kung kinuha ba nya or kulang ang sukli kay Sharkteeth sa 7/11. But this time, alam na alam ko ang pera kasi kaka-withdraw ko lang. She was acting oddly pa. When I told TheHusband (within her earshot) that I was missing 3K, biglang pasok sya ng bahay at kung ano-ano tinatanong kay TheHusband. Parang hysterical at manic. Tapos kanta ng kanta ng malakas ng spiritual songs. Baliw lang. Bwiset na yun. May linya pang "swear to God." Swear nya her face. Di na nahiya sa Diyos. I guess she lost more than I did. She was supposed to attend school again this coming school year and I was planning to shoulder her books and uniform. *May karma ka ring bruha ha.* Haaaayyyy...

O sya, I hope to update more often. Laters!





6 comments :

  1. I'm still here. Haha.
    Kastress naman niyan.Burara din ako pagdating sa kaperahan. Pakalat kalat lang..buti nalang mga barya lang.haha. Kaya number 1 requirement ko sa househelp, dapat mapagkakatiwalaan. Tini-test ko ang mga naging househelp ko. Meron akong naging househelp na intentional kong iniwan yung cellphone ko. Aba, nakitelebabad. Nung tinanong ko kung ginamit. Hindi daw. Hindi nya alam, may telephone bill. Huli sya. Sira ang tiwala. Buti nalang ngayon, nakahanap ako ng matino.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay, may ganyan na rin kami. She racked up >8K in long-distance charges after I expressly told her not to used the landline and bought her a cellphone to use instead. Mga abusado.

      Delete
  2. Another loyal reader also here. Present. 😀

    ReplyDelete
  3. Padaan daan ako dito waiting for a new post. I'm sure madami kami na ganyan sayo. Hehe. Ay grabeng helper yan, may karma yan, mas malaki mawawala sa kanya.

    Sulit na sulit sa amin ang Yi action cam. Under 4k lang, HD quality na, lumalaban sa GoPro. Buti mahilig magcompare compare ng new gadgets ang asawa ko, nakahanap sya ng affordable action cam kasi naman super mahal ng GoPro alam nyang hindi ako papayag na bumili sya non, hahaha. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huhubelles. Pangbili ko dapat ng Venetian mirror yun. Oh well...

      Thanks for the tip, i-compare ko yan saka yung SJCAM na ni-recommend naman ng isa ko pang friend.

      Di makaya ng konsenya ko na bumili ng GoPro kasi nga lazybutt saka kuripot ako. Hahahahaha!

      Delete

I'd love to hear from you, good or bad. And remember, if you can dish it, you better be able to take it!