May favorite outfit ako dati: a pair of off-white/cream Guess jeans na pasalubong sa akin ng tita ko (si Auntie Bebeng) and my black turtleneck na talaga namang ang ganda ng fit sa akin. Siguro kasi dahil payat pa ako nun. Yeah, must be it. *Bewang, I miss you!*
Minsan suot ko yun pagpasok ako sa office. Grabe, GGSS talaga ako pag suot ko ang outfit ko na 'yun. Ang byahe ko Bulacan to Parañaque, grabe sa layo, diba? Bukod sa aking pagiging antukin, talaga namang antok na antok ako dahil napaka-aga pa. Usually, pagkasakay ko ng bus, konting pwesto lang nakakatulog na ako. And that time wasn't any exception. Nakatulog ako agad.
Bigla na lang narinig ko may napasigaw ng konti.
Nagising ako.
Pagdilat ko, nakita ko nakatingin sila lahat sa akin.
Downward.
Kasi nahulog na pala ako sa aisle ng bus!!!
Dumumi ang likod ng pants ko. Huhuhu! Bawas na ang GGSS.
Bumalik na lang ako sa upuan ko at nagtulug-tulogan hanggang makarating ako sa MRT North EDSA. Kunwari walang nangyari. Pero masakit ang puwet ko na tumama. Pero mas masakit ang pride ko.
♥♥♥
This is my spirit animal.
Bwahahahahahaha
ReplyDeletePero alam mo Mother frustration ko ang white / cream pants... d ko talaga ma-keri kahit nung payat pa ako ... kelan ba babalik yun
Hahahahahahaha, aliw na aliw talaga ako sa mga kwento mo. Ikaw ang isa sa mga taong kilala ko na andaming kakaibang karanasan sa buhay. Like Diane, hindi ko rin keri ang white/cream pants, feeling ko lagi ko syang madudumihan bilang dugyot ako at hindi maingat, hehe. :)
ReplyDeleteNamiss ko na din magsuot ng white pants, tapos naka t-back pa kasi hindi pa ata uso nun ang seamless panty o hindi ko lang talaga alam noon na may ganun. Ngayon, hanggang kwento nalang, di na keri.haha
ReplyDeletePala tulog din ako sa bus, one time, paggising ko, may nakaakbay na saking lalake. Kakatakot yung experience na yun.
Scary naman yan!!!
DeleteDiane and Edel, I really like Heart E's all-white outfit. Freshness. So chic.
ReplyDeletePanalo talaga itong mga istoryang sinauna mo! Never fails to crack me up! :-D although ang pinaka-favorite ko ay yung very competitive ninyong sand-castle building contest. Sa tuwing naaalala ko ang "flags" natatawa talaga ako. Hanggang ngayon. :-)
ReplyDeleteAlam mo, favorite story namin yang ng sandcastle teammates ko. Mabanggit pa lang natatawa na kami kasi kawawa talaga ang sandcastle namin.
Delete